BUL-OL: Bulawan Online

Sining ng Tugma at Sukat, Inilunsad sa Cavite at Pangasinan
Inilunsad ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), at mga katuwang na institusyon ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) noong Setyembre 14 sa General Trias, Cavite at noong Setyembre 22 sa Dagupan, Pangasinan.

Ang STS ay isang libreng pagtuturo para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan. Kasama sa pagtuturo ang mga ehersisyo sa paggawa ng mga tulang may tugma at sukat.

Para sa programa sa Cavite, sina April Imson at Salvador Biglaen ng LIRA ang mga naging tagapanayam. Ang Cavite Young Writers Association ang katuwang ng LIRA at NCCA, samantalang si Romel G. Samson ang naging tagapag-ugnay.

Para sa programa sa Pangasinan, si Prop. Michael M. Coroza ang naging tagapanayam. Ang Dagupan City National High School ang katuwang ng LIRA at NCCA, samantalang sina Renato R. Santillan at Phillip Kimpo Jr. ang mga naging tagapag-ugnay.

Tatagal ang proyekto hanggang Marso 2009, at kabilang ang Rizal, Bulacan, Zambales, at Quezon sa mga balak puntahan ng STS.

Bagong UMPIL Website, Inilunsad
Inilunsad ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ang www.Umpil.org noong ika-34 UMPIL National Convention na ginanap nitong Agosto 30. Nilalaman ng Umpil.org ang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng organisasyon, mga kasapi, pamunuan, at ang taunang Kongreso. Mababasa rin ang listahan ng mga taunang nagwagi ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Gawad Paz Marquez Benitez, at Gawad Pedro Bucaneg.

Itinatag noong 1974, ang UMPIL ay ang pinakamalaking samahan ng mga Filipinong manunulat sa bansa. Si V.E. Carmelo D. Nadera Jr. ang kasalukuyang tagapangulo.

Ang Umpil.org ay dinisenyo ni Sophia Lucero (Stellify.net), na siya ring lumikha ng disenyo ng pampanitikang lathalaang BulawanOnline.com. Si Phillip Kimpo Jr. (phillip.kimpo.ph) ang nagsisilbing webmaster.

Inilunsad din ng UMPIL ang sarili nitong Multiply account sa www.umpil.multiply.com. Ang Multiply ay isang popular na social networking at media sharing na website. Nagsisilbing photo album ng organisasyon ang Umpil.multiply.com. Inaanyahahan ang mga manunulat na mayroong Multiply account na idagdag ang UMPIL sa kanilang listahan ng Contacts.

Rio Alma, Pinarangalan bilang Dakilang Bulakenyo
Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario (Rio Alma) noong Setyembre 8, 2008 sa Malolos, Bulacan para sa “kanyang di matatawarang kontribusyon sa sining ng panitikan sa ating bansa.”

Ang parangal ay bahagi ng Singkaban (Sining at Kalinangan ng Bulacan) Fiesta na ginanap mula Setyembre 7 hanggang 15. Inihandog kay Almario ang Dakilang Bulakenyo Series XXII, na kinapalooban ng Memorabilia Exhibit, Hero’s Welcome, at dulang pinamagatang “Rio Alma (River and Soul).”

Ang Singkaban ay isang programa ng ni Gob. Jonjon Mendoza at Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan.

Para sa mga retrato ng parangal, magpunta lamang sa mga album na ito: Parangal kay Rio Alma (Unang Bahagi), Parangal kay Rio Alma (Ikalawang Bahagi).

2009 PBBY Salanga Prize: Panawagan para sa mga Lalahok
Tumatanggap na ang Philippine Board on Books for Young People (PBBY) para sa 2009 PBBY-Salanga Prize.  Ang patimpalak na ito ay tinatangkilik rin ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng The National Library (TNL).

Ang magwawagi ng grand prize ay makatatanggap ng Php 25,000.00, gintong medalya, at ng pagkakataong mailathala.  Ang mga premyo ay maipagkakaloob sa isang nararapat na programang gaganapin sa Pambansang Araw ng Aklat Pambata sa Hulyo ng 2009.

Panuntunan ng Patimpalak

•    Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mamamayang Filipino, maliban sa mga kamag-anak ng mga kasapi ng PBBY, hanggang sa pamilya ng pinsang makaitlo.

•    Isinulat dapat ang kuwento para sa mga mambabasang edad 6 hanggang 12.  Madadala dapat ng balangkas at daloy ang isang inilarawang aklat na may 28 hanggang 32 pahina.

•    Ang mga ilalahok ay maaaring nasa Ingles o Filipino.

•    Dapat ipasa ang mga kuwentong ilalahok nang naka-hard copy, at naka-double space sa short bond paper.  Hindi dapat lumampas ang haba ng kuwento sa limang (5) pahina.

•    Maaaring magpasa ang lalahok ng mahigit sa isang kuwento.

•    Walang ibang pangalang dapat makita sa ipapasang kuwento bukod sa isang sagisag-panulat.  Maglakip ng limang (5) kopya ng bawat kuwento sa isang sobre, at isulat rin sa sobre ang sagisag-panulat.

•    Kasama ng kuwento, magsama ng pangalawang sobre at isulat rin dito ang sagisag-panulat.  Sa loob ng pangalawang sobre, ilagay ang buong pangalan ng lumahok, tirahan, mga contact number, at maikling paglalarawan ng karanasang pampanitikan.  Magsama rin ng isang notaryadong katibayan mula sa manunulat na nagpapatibay sa pagiging orihinal ng kuwentong inilahok, at sa pagpapalaya sa mga nagtataguyod ng patimpalak sa anumang pananagutan na maaaring magbuhat sa paglabag ng karapatang-ari sa panahon ng paglalathala, at nagpapatunay na ang kuwentong inilahok, sa anumang anyo nito, ay (a) hindi pa nailalathala at (b) hindi pa nananalo sa anumang patimpalak — na hindi pa ito nananalo ng una, ikalawa, ikatlong gantimpala, honorable mention, sa anumang patimpalak, o nagawaran ng medalya, pagkilala, o naisama sa isang nailathalang listahan ng mga katangi-tanging kalahok sa anumang patimpalak.

•    Ipadala ang mga kuwentong ilalahok sa pamamagitan ng koreo sa PBBY Secretariat, c/o Adarna House, Inc. 2/F FSS Bldg. 20 Scout Tuason cor. Scout Castor Sts.,Brgy. Laging Handa, Quezon City 1103.

•    Matanggap dapat ng PBBY Secretariat ang lahat ng ilalahok bago ang 5:00 N.H. ng ika-14 ng Nobyembre, 2008.

•    Ang mga nanalo ay maipapaalám sa o bago ang ika-12 ng Disyembre, 2008.  Lahat ng di-nanalong inilahok ay maaaring makuha sa PBBY Secretariat hanggang ika-6 ng Enero, 2009.

Ang magwawaging kuwento ang magiging basehan ng 2009 PBBY-Alcala Prize. Para sa iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Board on Books for Young People, sa 2/F FSS Bldg. 20 Scout Tuason cor. Scout Castor Sts., Brgy. Laging Handa, Quezon City 1103, Telefax 372-3548 o sa email na pbby@adarna.com.ph.

Mga Nagwagi at Hukom sa Filipino sa Palanca 2008
Pinarangalan noong Setyembre 1, 2008 sa The Peninsula Manila sa Lungsod ng Makati ang mga nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2008.

Ang mga nagwagi sa dibisyon ng Filipino:

MAIKLING KUWENTO

1st – Maria Lucille Roxas (Game Show)

2nd – Lemuel E. Garcellano (Anghel Kalahig)

3rd – Rommel B. Rodriguez (Kabagyan)

MAIKLING KUWENTONG PAMBATA

1st – Walang Nagwagi

2nd – April Jade B. Imson (Si Karding at ang Buwaya)

3rd – Allan Alberto N. Derain (May Tatlong Kurimaw)

SANAYSAY

1st – Jing Panganiban-Mendoza (Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng Banyera)

2nd – Michael M. Coroza (Ang Mabuhay Singers at Ako sa Pag-awit at Pag-ibig)

3rd – Eugene Y. Evasco (Agaw-buhay)

KABATAAN SANAYSAY

1st – Walang Nagwagi

2nd – Walang Nagwagi

3rd – Allen D. Yuarata (Nang Dumating si Joe)

TULA

1st – Mikael de Lara Co (Ang Iba’t-ibang Ngalan ng Hangin)

2nd – Renato L. Santos (Sari-saring Salaghati… (At good-bye-my-kangkungan)

3rd – Niles Jordan Breis (“Rubrica” mga lakbay nilay at pagbubunyag)

DULANG MAY ISANG YUGTO

1st – Floy C. Quintos (Ang Kalungkutan ng mga Reyna)

2nd – Debbie Ann Tan (Teroristang Labandera)

3rd – Allan B. Lopez (Masaganang Ekonomiya)

DULANG PAMPELIKULA

1st – Emmanuel A. Dela Cruz/ Michiko Yamamoto (1434456 – “The Singalong Singhs”)

2nd – Dennis Marasigan (Joy)

3rd – Alfred Aloysius Adlawan (Padyak)

DULANG GANAP ANG HABA

1st – Walang Nagwagi

2nd – Walang Nagwagi

3rd – Walang Nagwagi

NOBELA

Grand Prize – Norman Wilwayco (Gerilya)

Ang mga naging hukom para sa dibisyon sa Filipino:

MAIKLING KUWENTO

Lamberto E. Antonio, chairperson

Fanny A. Garcia

Levy B. dela Cruz

MAIKLING KUWENTONG PAMBATA

Ani Rosa Almario, chairperson

Augie Rivera

Christine S. Bellen

SANAYSAY

Lilia F. Antonio, chairperson

Roberto T. Añonuevo

Imelda Pineda-De Castro

KABATAAN SANAYSAY

Ligaya T. Rubin, chairperson

Violeta A. Laraya

Perfecto T. Martin

TULA

Romulo Baquiran, chairperson

Rhoderick V. Nuncio

Marra PL Lanot

DULANG MAY ISANG YUGTO

Rodolfo Vera, chairperson

Elmer Gatchalian

Chris Martinez

DULANG GANAP ANG HABA

Ricardo G. Abad, chairperson

Nonilon V. Queaño

Manuel Buising

DULANG PAMPELIKULA

Roy C. Iglesias, chairperson

Mark A. Meily

Frank G. Rivera

NOBELA

Lualhati Bautista, chairperson

Jun Cruz Reyes

Domingo G. Landicho

Pistang Panitik 2008 sa Manila Bookfair
Matagumpay na idinaos noong Setyembre 12-16, 2008 sa Manila International Bookfair sa SMX Mall of Asia ang ikatlong Pistang Panitik.

Naging katuwang ng UP Institute of Creative Writing ang Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman (UP ICW), Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), at Primetrade Asia sa paglulunsad ng Pistang Panitik 2008. Ang proyekto ay sinimulan ng dating direktor ng UP ICW na si Prop. Vim Nadera noong 2006.

Ang mga naging tagapanayam sa bawat araw ng Pistang Panitik:

Setyembre 12, Writers’ Cafe

Charlson Ong , Wendell Capili, Benilda Santos ,Dinah Roma, Jaime An Lim

Setyembre 12, Writers are not loners

Beverly Siy ng LIRA, UP Writers Club , The Varsitarian (UST), Heights (Ateneo de Manila University), Malate (De La Salle University)

Setyembre 12, Pistang Panitik

Ony Carcamo , Khavn de la Cruz, Charms Tianzon, Cynthia Alexander

September 14, Ganito Kami Ngayon

Jose Dalisay Jr. (Fiction), Roland Tolentino (Kuwento), Joey Baquiran (Tula), J. Neil Garcia (Poetry) , Nick Pichay (Dula)

Setyembre 15, PopLit

Romancing Venus, Teatrong Mulat, Angelo Suarez, Manolo Silayan, Adam David, Jim Libiran at TRIBU.

Setyembre 16, Blog!

Dean Alfar, Marne Kilates, Bobby Añonuevo, Sonny Villafania, Vlad Gonzales.

Buklatan: Oktubre-Nobyembre 2008
Inaanyayahan ang lahat na ipaalam sa Bulawan Online ang inyong bagong librong pampanitikan o sa panitikan. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang pahinang Pagpapasa sa Buklatan.

Mga Biyahe, Mga Estasyon (Journeys, Junctions)

Rio Alma, Pambansang Alagad sa Sining Pampanitikan at Marne Kilates, tagasalin

Anvil Publishing, c2008

196 pahina

Tinipong panulaang paglalakbay mula sa huling sampung aklat ng mga tula ni Rio Alma. Ang bawat tula ay may kasamang salin sa Ingles ni Marne Kilates.

Awit ni Kadunung

Abdon M. Balde Jr.

University of Santo Tomas Publishing House, c2008

660 pahina

Isang kapanabiknabik at matalinhaga/hiwaga na nobela tungkol kay Peter, isang Bikolanong may natatanging lakas ng pangangatawan at hindi pangkaraniwang lakas ng panamdam, na umuwi sa Bikol upang manaliksik tungkol sa mga bayaning sina Baltog, Handiong at Bantong, na nasa Breve noticia acerca del origin, religion, creencias y supersticiones de los Indios del Bicol na sinulat ni ni Fray Jose Castaño noong 1890.

Isang Napakalaking Kaastigan

Vlad Bautista Gonzales

Milflores Publishing, Inc., c2008

Isang astig na koleksyon ng mga nakakatuwang/nakakatawang personal na sanaysay mula sa malikhain, maloko, matalino’t mapaglarong panulat ni Vlad Gonzales.

Florante at Laura ni Francisco Balagtas (UP Centennial Edition)

Marne Kilates, tagasalin at Virgilio S. Almario, editor

The University of the Philippines Press, c2008

108 pahina

Nagtulungan ang Pambansang Alagad ng Sining Pampanitikan Virgilio S. Almario at ang premyadong makata na si Marne Kilates sa bagong edisyong ito ng Florante at Laura. Tampok sa aklat ang mga likhang sining biswal na ginawa para sa eksibit na Florante at Laura na itinanghal bilang bahagi ng Komedya Fiesta 2008 1st National Festival.

Mula sa Inyo: Panitikang Filipino sa Internet
Bukas po ang aming lathalaan sa mga katanungan, komento sa mga napiling akda, suhestiyon, at iba pang nais iparating na mensahe.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mambabasa na magpadala ng kanilang mga liham para sa mga editor ng Bulawan Online sa editor@bulawanonline.com.

Ang tampok na liham sa isyung ito:

Ang akin pong katanungan ay para kay Ginoong Roberto T. Añonuevo. Sa inyo pong karanasan bilang isa sa mga Editor ng Bulawan Online at sa inyong blog na Alimbukad (http://dakilapinoy.wordpress.com), masasabi niyo po bang malaki (o lumalaki) ang interes ng mga tao sa panitikang Filipino? Marami po ba ang tumatangkilik sa Bulawan Online at Alimbukad? Maraming salamat po, at mabuhay kayo at ang lathalaang BUL-OL!

Nico, isang mag-aaral sa kolehiyo mula sa Lungsod ng Valenzuela

Ang tugon ni Roberto T. Añonuevo:

Nakagugulat, Nico, ang pagtanggap ngayon ng mga tao sa panitikang Filipino, lalo’t pinabilis ng internet at makabagong teknolohiya ang pagpapalaganap ng impormasyon. Kung pagbabatayan ang estadistika, halimbawa dito sa Bulawan o sa aking blog na Alimbukad, pambihira ang dagsa ng mga tinatawag na unique visitor (natatanging bisita) at bilang ng hit (dalas ng pagbasa sa isang akda). Sa maniwala ka’t sa hindi, ang mga bumabasa sa mga akdang pampanitikan ay hindi lamang sa loob ng Filipinas, bagkus maging sa ibang bansa, gaya ng United States, Norway, Georgia, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, China, Australia, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Italy, United Kingdom, Germany, Peru, at kung saan-saan pang may mga Filipino at tao na interesadong magbasa sa Filipino. Sa Filipinas pa lamang, mulang hilaga hanggang timog ay sakop, at isama na rito ang Palawan at Sulu Arkipelago. Ano ang ibig sabihin nito? May puwang para sa panitikang Filipino at wikang Filipino kahit sa larang ng internet.

Dati, sapat nang magpost ng kung ano-anong kalokohan at basura sa iyong blog at websayt upang tumanyag at dumami ang hit. Ngunit ngayon, napansin kong naghahanap na rin ang publiko ng ibang putahe, at ang putaheng ito ay may kaugnayan sa panitikan. Ang mga akdang pampanitikan na hinahanap ngayon ng mga tao ay waring lumilihis sa kumbensiyon at sa itinatakda ng mga nakalimbag sa papel, o kaya’y sa mga isinasaad ng mga patakbuhing teksbuk.

Ang mga dating mambabasa ng Liwayway, Philippine Graphic, Sampagita, at iba pang magasing popular ay walang pasubaling nabihag na ng internet. Ang lunan ngayon ng bakbakan ay nasa himpapawid, bagaman nakatutulong pa rin sa pagtatala ang mga akdang nalilimbag sa papel. Ang elektronikong publikasyon ang nais tugunan ng gaya ng Bulawan at ng mga kabalikat nitong blog at websayt para makaabot sa nakararaming Filipino ang mga sariwang impormasyon hinggil sa panitikang Filipinas.

Rio Almanac: Oktubre-Nobyembre 2008
Narito ang ilan sa mga pinagpipitaganang manunulat at makata ng Filipinas na isinilang sa mga buwan ng Oktubre at Nobyembre.

Cecilio Apostol (Nobyembre 22, 1877 — Setyembre 8, 1938)

Isinilang sa Santa Cruz, Maynila, nagtapos siya ng batsilyer sa Ateneo Municipal de Manila at ng abogasya sa UST. Noong 1899, napabilang siya sa patnugutan ng La Independencia  na itinatag ni Juan Luna. Naging manunulat din siya ng La Patria, La Fraternidad, La Democracia, El Renacimiento, at La Union. Natipon ang ilan sa kaniyang mga tula sa aklat na Pentelicas (1940).

Florentino Collantes (Oktubre 16, 1896 — Hulyo 15, 1951)

Isang anak ng Dampol, Pulilan, Bulacan ang itinuturing na pangunahing kaagaw ni Jose Corazon de Jesus sa trono ng Hari ng Balagtasan. Inilathala ng Ateneo de Manila ang kaniyang kalipunang Ang Tulisan at iba pang Talinghaga (2000) at Ang Lumang Simbahan / Baras ng Suwail (2002) na pawang inedit ni Roberto T. Añonuevo.

Jose Corazon de Jesus (Nobyembre 22, 1894 — Mayo 26, 1932)

Pinakabantog na makata ng siglo 20, sa Sta. Cruz, Maynila siya ipinanganak ngunit ang Sta. Maria, Bulacan ang itinuring niyang bayan. Nag-aral ng abogasya ngunit higit na itinuon ang talino sa pagsulat at pagbigkas ng tula. Kabilang sa mahahabang tulang pasalaysay niya ang Sa Dakong Silangan (1928 at 1995), Ang Mga Itinapon ng Kapalaran (1930), at Maruming Basahan (1931). Naipon ang maiikling tula niya sa Mga Dahong Ginto (1920) at Mga Tulang Ginto (1958). Pinamatnugutan ni Virgilio S. Almario ang Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula (1984) at Sa Dakong Silangan at Ibang Tulang Pasalaysay (1995).

Alejandrino G. Hufana (Oktubre 22, 1926 — Agosto 1, 2002)

Tubong-San Fernando, La Union, nagtapos siya ng AB English (1952) at MA Comparative Literature (1961) sa Unibersidad ng Pilipinas. Naglingkod na propesor sa UP (1954-1986) at direktor ng UP Creative Writing Center (1983-1985). Nagawaran siya ng Republic Cultural Heritage Award (1965). Nalathalang akda niya ang Sickle Season/Poems of a First Decade, 1948-1958, Poro Point/An Anthology of Lives: Poems 1955-1960 (1961), The Wife of Lot and Other Poems (1971), Sieg Heil (1974), Imelda Romualdez Marcos: A Tonal Epic (1975), Obligations/Cheers of Conscience at Shining On/Collected Poems, 1950-1985 (1985), at Enuegs: Extracts of Tributes to My Collection (2002).

Eduardo A. Makabenta (Oktubre 13, 1885 — Oktubre 22, 1973)

Isinilang sa Carigara, Leyte, nag-aral siya sa Liceo de Manila at pagkaraa’y naglingkod sa mga hukuman sa Tacloban at Zamboanga. Natipon ang kaniyang mga tula sa hindi pa nalalathalang Pinarungpung nga mga Siday ug mga Garaygaday (1956) na mula sa mga nalathalang akda sa Gintiguian at Bituon Ha Leyte-Samar.

Sanggunian:

* Virgilio S. Almario, editor, Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas (Pasig City: Anvil Publishing, 2006)

Ibangon ang Dangal ng Lahi
(Talumpating pagtanggap sa Gawad Tanging Dangal ng Lipi sa Malolos, Bulacan, 14 Setyembre 2008)

ni Virgilio S. Almario

MAY BAGONG ESTATWA kami sa U.P. Likha ng kaibigan kong si National Artist Napoleon Abueva. Isang babaeng hubo’t hubad at kapatid daw o asawa ni “Oblation.” “Magdangal” ang pangalan niya. At ako ang nagpangalan sa kaniya.

Nitong 26 Pebrero 2008, inimbita ako ni Billy sa bahay-talyer niya sa Tandang Sora. May bago raw siyang likha at nais niyang tulungan ko siyang pangalanan ito. Ibig daw niyang Filipino ang pangalan. Pagkakíta ko sa higantang estatwa, inusisa ko ang gusto niyang palitawin. Gusto daw niyang magpakíta ng pag-asa—ang kakayahan ng bayang umahon mula sa lusak ng korupsiyon, malubhang takaw, at kawalang-malasakit. Hindi ako nagtagal sa pag-iisip ng angkop na pangalan. “Magdangal,” mungkahi ko. Pumayag siya at pinag-usapan namin ang kahulugan ng pangalan at ng estatwa. Sa gabing iyon, iginawa ko pa ito ng isang dalit at ipinadalá ko sa kaniya kinabukasan. Tuwang-tuwa si Billy. Ilalagay daw sa isang plake at ipaplakda sa paanan ng estatwa. Bakâ daw puwede ko ring isulat ng paliwanag ang maikli kong tula. Pinagbigyan ko siya at ganito ngayon ang kumalat na polyeto hinggil sa estatwa.

Magdangal is a new sculptural piece by National Artist Napoleon Abueva for the U.P. Centennial Year. It celebrates the great national will to free itself from the shackles of history and create a new horizon of hope. It portrays a robust diwata, resplendent with recovered pride (dangal), emerging out of the swirling perilous sea of greed, corruption, and apathy, one hand clenched for combat and another open to care, and eyes fiercely and steadily gazing at the future. The militant stance and indomitable spirit of Abueva’s Magdangal is in allegorical opposition to the lachrymal mater dolorosa and traditional dalagang bukid. The title, in verb form, indicates continuing action or a vision of unrelenting struggle until after national pride (pambansang dangal) is completely restored. A poem of homage by National Artist Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma is inscribed at the base of the statue, also entitled “Magdangal”:

Magbangon ka, aking Mutya,

Mula dagat ng dalita;

Pairalin mo sa lupa

Ang tarong, ragsak, at laya.

It is written in the ancient native dalit, a poem of four lines with eight syllables in each line. The poet calls on his beloved Mutya—the native word for the precious pearl—to rise from the sea of sorrows and bless the land anew. The last line hints at the desired state of life for the Filipinos, expressed through an aggregate of words chosen from Philippine languages. “Tarong” is a Bisayan word for straight and the root of the Filipino word “katarungan” for justice; “ragsak” is an Ilokano word for joy, bliss, and grace; “laya” is a Tagalog word which was born at the time of the Filipino struggle for freedom from colonial rule towards the end of the 19th century.

Pormal naming itinanghal si “Magdangal” nitong 8 Agosto 2008 sa harap ng bagong gusali ng CAL. Ilang araw lamang, narinig kong “Jolens” ang tawag ng mga estudyante sa bantayog. “Jolens”? Dahil pala sa pop star na si Jolina Magdangal, na siguro’y hinliliit lamang ni “Magdangal” ang katawan.

Naglahong Dangal ng Filipino

PARANG PINAGTIYAP NAMANG binibigyan ako ngayon ng Bulacan ng Gawad Tanging Dangal ng Lipi. May pagkakataon akong ipaliwanag kung bakit itinuturing kong napakahalaga para sa kapakanang pambansa ng pagbabangon sa “dangal ng lahi.” Magsimula táyo sa pinakamatandang nakasulat na depinisyon ng dangal sa bokabularyo ni Fray Francisco de San Antonio, O.F.M. Nakasaad sa pahina 81 ng bagong edisyon ng kaniyang Vocabulario Tagalo (1624):

DANGAL-1. pc. Cualquier buena suerte, fortuna, oficio ó dignidad, ó traza, ó obra, de que otros saquen provecho, y el alabado, es “dangal niyá”. Irinarangal: ser afamado en presencia de otros, sobre todos los demás. Nagpaparangal: querer ser alabado con sus obras, ó con las de otro. Ipinagparangal: aquéllo en que quiere ser.

Kung babasáhin ngayon, tinutukoy na dangal ang anumang nagdudulot ng magandang kapalaran sa isang tao. Ngunit higit na mahalaga, ito ang salik sa katauhan ng tao na nagdudulot sa kaniya ng mataas na pagtingin at paggálang sa sarili at ang saligan ng mataas ding pagtingin at paggálang sa kaniya ng kapuwa tao. Ang salik na ito ang nawawala sa atin kahit nagsasarili. Nawawala ang kakatubong pagdangal natin sa ating sarili bílang Filipino at nagiging malaking hadlang ito sa pagkakaisa, malikhaing paggamit ng talino, pagsisikap upang umunlad, at iba pang pambansang gampanin.

Tulad ng mga kalayaan at karapatang pantao, katutubo sa isang lahi ang dangal. Ngunit winasak ito ng mahabàng kolonyalismong Espanyol at dinurog pa ng pananakop na Amerikano. Ito ang pinakamabigat na krimen ng kolonyalismo sa alinmang sinakop na bansa sa Afrika, Amerika, at Asia. Bukod sa pagsimot sa yaman at pagsupil sa malayang espiritu ng sakop, sistematikong binubura o inaalis ng kolonyalismo ang anumang marangal na gunita ng sakop, pinapalitan ng hiram, at isinasailalim sa edukasyong nagdidiin sa imperyoridad ng sakop at ng superyoridad ng mananakop. Ang isang lahi na walang marangal na gunita hinggil sa sarili ay isang lahing madalîng alipinin at patuloy na may isip-alipin kahit bigyan ng kalayaan.

Kayâ anong uri ng pag-iisip mayroon táyo ngayon? Watak-watak, sapagkat pinapaniwala táyo ng mga mananakop na mahirap táyong magkaisa, sapagkat lubhang magkakaiba ang ating kasaysayan at kultura. Sa kabilâng dako, wala táyong pagpapahalaga sa anumang sarili nating kultura sapagkat pinapaniwala din táyo ng mga mananakop na walang kuwenta at nakaiwanan na ng panahon ang sarili nating pamana. Kapalit ng pagmamahal sa sarili, lubha táyong inaakit ng makabago’t superyor na produkto’t kaalamang ipinagbibili sa atin ng mga dayuhan. Nagpapakahirap magtrabaho o nagnanakaw o nagsasamantala sa tungkulin ang karaniwang Filipino upang makabili ng inaangkat na kotse’t ibang modernong kasangkapan, makapaglibot sa New York o Paris, magsuot ng usong damit at alahas sa Europa, o kahit paano’y makakain ng hamburger o pizza.

Kultura ng Kagitingan

NOON PA’Y BATID NA nina Bonifacio at Jacinto ang korupsiyon at distorsiyong nagaganap sa halagahang Filipino bunga ng matagal na kolonyalismo. Isa at panghuli sa mga aral ng Katipunan ang sumusunod:

Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG DIYOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas at tunay na mahal na tao kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaon di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

Malinaw sa isang Katipunero na ang Himagsikang Filipino ay hindi lamang pagpapatalsik sa dayuhang mananakop. Higit itong nangangahulugan ng tinatawag noon pa ni Mabini na “rebolusyong panloob,” na nangangailangan ng reedukasyon ng bawat Filipino upang masawata o maalis ang itinanim na mga malîng halagahan sa panahon ng kolonyalismo, gaya ng pagsandig sa lakas at kapangyarihang materyal, pagsamba sa matangos ang ilong at maputi, at pagkakamal ng salapi. Kapalit ng mga ito, ipinangangaral ng KKK ang dangal at puri ng isang may magandang asal, may isang salita, hindi nang-aapi at hindi naman napaaapi, at higit sa lahat may matinding pagmamahal sa sariling bayan.

Ang buong pagbabago sa katauhan ng Filipino ay nakatuon sa pagbabalik ng dangal—ng wastong paggalang sa sarili at mataas na pagkilala sa katutubong kakayahang mabuhay mag-isa at umunlad. Ngunit ang ang pananalig sa sariling dangal ay may kaakibat na diwa ng kagitingan. Hindi ito gawaing nag-iisa ng bawat indibidwal. Gawain itong dapat lahukan ng bawat mamamayan at magkakatulong. Gawain itong sinusukat, sa wakas, alinsunod sa idinudulot nitong benepisyo o paglilingkod sa kapakanan ng bayan at ng buong sambayanan.

Ang pagmamahal sa sariling pagkatao at paggalang sa sarili ay dapat kilalaning bahagi ng pagmamahal sa bayan. Ang pagsisikap umunlad ng isang tao ay dapat iugnay sa pagsulong ng buhay ng iba. Anumang isipin, balakin, ipahayag, at isagawa ay nakasalig sa pangkalahatang tungkulin sa ating bansa. Ang pagbabangon ng dangal ay isang hakbang lamang tungo sa paglinang at pakikilahok sa kultura ng kagitingan.

Ano ang kultura ng kagitingan?

Bagaman hindi ganap ang kapayapaan sa buong kapuluan at maraming dapat gawing kolektibong pagkilos para sa mga kailangang repormang pampolitika’t panlipunan, hindi ito panahon para sa mga bayani ng digma’t himagsikan. Hindi rin kailangang maging martir at preso tayo upang makaambag sa pagbabago. Higit nating kailangan ang mga bayani ng pang-araw-araw na buhay Filipino. Ang mga guro na nagsisikap humubog ng kapaki-pakinabang at malikhaing mamamayan sa paaralan. Ang mga kabataan na nagbubuhos ng talino’t kakayahan upang maging totoong pag-asa ng bayan. Ang mga empleado ng gobyerno na isinasangkot ang sarili sa paglilingkod sa karaniwang taumbayan. Ang mga alagad ng batas na nangangalaga sa kapayapaan at kaayusan. Ang mga lider na nag-iisip ng mga paraan upang higit na umunlad at guminhawa ang buhay ng bawat mamamayan. Ang mga manunulat na tumutula’t kumakatha ukol sa ikadadakila ng ating bayan.Sa maikling salita, kumikilos at nagtatrabaho ang bawat isang mamamayan hindi lamang alang-alang sa sarili o sa sariling pamilya kundi alang-alang sa kapakanan ng iba, ng mga kababayan.

Ito ang diwa ng kultura ng kagitingan.