BUL-OL: Bulawan Online

Hunyo 2009

Isyu Blg. 6

Mga Kaibigan

Buklatan

Mula sa Inyo: Wikang Filipino at mga Politiko

Bukas po ang aming lathalaan sa mga katanungan, komento sa mga napiling akda, suhestiyon, at iba pang nais iparating na mensahe.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mambabasa na magpadala ng kanilang mga liham para sa mga editor ng Bulawan Online sa editor@bulawanonline.com.

Ang tampok na liham sa isyung ito:

Magandang araw po. Ako po si Ruben Jeffrey A. Asuncion, isang freelance journalist at masugid na tagasubaybay sa mga usapin sa wikang Filipino. Nabasa ko po sa blog ni G. Bobby Anonuevo ang mga panukalang batas na magpapatibay sa Ingles bilang wikang panturo sa paaralan. Tanong ko lang po kung may ginagawang mga hakbang ang mga kapisanan ng mga manunulat natin para makontra ito. Nakikipag-usap po ba ang mga kapisanang ito sa ating mga mambababatas upang mahimok silang tangkilikin o, kahit man lang, kilalanin ang potensyal ng Filipino bilang wikang pangkomersyal at akademiko? Maraming salamat po.

Ang tugon ni Roberto T. AƱonuevo:

Mahal na Ginoong Ruben,

Patuloy ang pakikilahok ng gaya ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Filipinas Institute of Translation (FIT), at iba pang organisasyon sa mga usaping pangwika na ang pinakabago ay ang pagsasampa ng kaso sa hukuman upang mapawalang bisa ang Kautusang Tagapagpaganap 210 na inilabas ng MalacaƱang na nagsusulong ng paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa elementarya at hay-iskul. Hindi rin nagkulang ang naturang mga pangkat na makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor, mapa-gobyerno man o mapa-pribado, upang maitampok ang wikang Filipino hindi lamang bilang wikang panturo kundi wika ng komunikasyon sa sari-saring larang sa lipunan at siyang makatutulong sa paglilinang ng mga lalawiganing wika sa Filipinas.

Malapit nang lumabas ang pasiya ng hukuman hinggil sa kaso ng wika ng pagtuturo. At sakali’t pumabor ito sa Filipino, patunay lamang ito sa matagal nang pagsisikap ng iba’t ibang makabansang sektor na pagkaisahin ang mga Filipino sa pamamagitan ng wikang Filipino.