BUL-OL: Bulawan Online

Hunyo 2009

Isyu Blg. 6

Mga Kaibigan

Buklatan

Buklatan: Pebrero-Marso 2009

Inaanyayahan ang lahat na ipaalam sa Bulawan Online ang inyong bagong librong pampanitikan o sa panitikan. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang pahinang Pagpapasa sa Buklatan.

* * * * *

Filipino ng mga Filipino
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario
Anvil Publishing, c2009
262 pahina

Ang bagong aklat ng pangunahing makata, kritiko, tagasalin, editor, guro at tagapamahalang pangkultura ng Filipinas. Tinatalakay nito ang mga problema sa ispeling, retorika, at pagpapayaman ng Wikang Pambansa.

* * * * *

Walong Diwata ng Pagkahulog
Edgar Calabia Samar
Anvil Publishing, c2008
240 pahina

Ang unang nobela ng premyadong makata na si Edgar Samar. Nagwagi ang aklat na ito ng NCCA Writer’s Prize noong 2005.

* * * * *

Ultraviolins
Khavn de la Cruz
University of the Philippines Press, c2008
216 pahina

Mga akdang prosa sa wikang Filipino. May kalakip na salin sa wikang Ingles. Kasama sa mga nagsalin ng mga obra ni Khavn sina Dean Francis Alfar, Angelo R. Lacuesta, Zosimo Quibilan Jr., Mayo Uno Martin, Juaniyo Arcellana, Carljoe Javier, at Cyan Abad-Jugo.

* * * * *

Fabulists and Chroniclers
Cristina Pantoja Hidalgo
University of the Philippines Press, c2008

Bagong aklat ng tanyag na guro, editor, manunulat, at nangunguna sa larangan ng sanaysay sa Ingles. Naglalaman ang libro ng mga komentaryo ukol sa mga kontemporanyong usapin sa panitikang Filipino.

* * * * *

Philippine Short Stories 1925 – 1940 at Philippine Short Stories 1941 - 1955
Leopoldo Y. Yabes, editor
University of the Philippines Press, c2008
Vol. I, 502 pahina
Vol. II, 766 pahina

Kinikilala ng mga iskolar at mababasa bilang pinakamahalagang antolohiya ng mailing kuwento. Pinagsasama-sama ng antolohiyang ito ang animnapu’t anim na maikling kuwento sa wikang Ingles ng mga manunulat na Filipino sa loob ng 40 taon ng pagpapalaganap ng Ingles sa bansa. Orihinal na inilimbag ng mga peryodikong matagal nang wala sa sirkulasyon. Muling inilimbag ng UP Press and antolohiya bilang isa sa kanilang UP Press Centennial Publications.

* * * * *

Upon Our Own Ground: Filipino Short Stories in English 1956 to 1972 (Volume I: 1956 to 1964) at (Volume II: 1965 to 1972)
Gémino H. Abad, editor
University of the Philippines Press, c2008
Vol. I, 512 pahina
Vol. II, 514 pahina

Isang pagpapatuloy ng pagsasaantolohiya ng mga maikling kuwento sa wikang Ingles ng mga manunulat na Filipino na sinimulan ni Leopoldo Y. Yabes ang dalawang volume na ito. Nagtapos sa taong 1955 ang antolohiya ni Yabes. Ito naman ay nagsisimula sa taong 1956.

* * * * *

Romanza
Rio Alma, Marne L. Kilates (mga salin), Marivic Rufino (mga pintura)
c2009

Inilunsad ang aklat noong Pebrero 23 sa ika-15 na  solo art exhibit ni Marivic Rufino sa Manila Peninsula. Nagsasanib ang dalawang anyo ng sining sa librong ito na kinatatampukan ng mga tula ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, mga salin sa Ingles ng premyadong makata na si Marne Kilates, at mga likhang-sining biswal ni Bb. Rufino.