Buklatan: Oktubre-Nobyembre 2008
Inaanyayahan ang lahat na ipaalam sa Bulawan Online ang inyong bagong librong pampanitikan o sa panitikan. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang pahinang Pagpapasa sa Buklatan.
* * * * *

Mga Biyahe, Mga Estasyon (Journeys, Junctions)
Rio Alma, Pambansang Alagad sa Sining Pampanitikan at Marne Kilates, tagasalin
Anvil Publishing, c2008
196 pahina
Tinipong panulaang paglalakbay mula sa huling sampung aklat ng mga tula ni Rio Alma. Ang bawat tula ay may kasamang salin sa Ingles ni Marne Kilates.
* * * * *

Awit ni Kadunung
Abdon M. Balde Jr.
University of Santo Tomas Publishing House, c2008
660 pahina
Isang kapanabiknabik at matalinhaga/hiwaga na nobela tungkol kay Peter, isang Bikolanong may natatanging lakas ng pangangatawan at hindi pangkaraniwang lakas ng panamdam, na umuwi sa Bikol upang manaliksik tungkol sa mga bayaning sina Baltog, Handiong at Bantong, na nasa Breve noticia acerca del origin, religion, creencias y supersticiones de los Indios del Bicol na sinulat ni ni Fray Jose CastaƱo noong 1890.
* * * * *

Isang Napakalaking Kaastigan
Vlad Bautista Gonzales
Milflores Publishing, Inc., c2008
Isang astig na koleksyon ng mga nakakatuwang/nakakatawang personal na sanaysay mula sa malikhain, maloko, matalino’t mapaglarong panulat ni Vlad Gonzales.
* * * * *
Florante at Laura ni Francisco Balagtas (UP Centennial Edition)
Marne Kilates, tagasalin at Virgilio S. Almario, editor
The University of the Philippines Press, c2008
108 pahina
Nagtulungan ang Pambansang Alagad ng Sining Pampanitikan Virgilio S. Almario at ang premyadong makata na si Marne Kilates sa bagong edisyong ito ng Florante at Laura. Tampok sa aklat ang mga likhang sining biswal na ginawa para sa eksibit na Florante at Laura na itinanghal bilang bahagi ng Komedya Fiesta 2008 1st National Festival.

