Unang Philippine Puppetry Festival Ngayong Agosto
Idaraos sa Agosto 13-15, 2008 ang unang pista ng puppetry sa Pilipinas bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Tampok sa pista ang Teatrong Mulat ng Pilipinas, Black Theater of Manila, Tali Galaw, Roppets Edutainment, ANINO Shadowplay Collective, at si Ony Carcamo.
Gaganapin ang mga palabas sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines sa ika-10 ng umaga at ika-1:30 ng hapon.
Ang mga palabas sa bawat araw:
Agosto 13: Black Theater of Manila at Ony Carcamo
Agosto 14: ANINO Shadowplay Collective at Roppets Edutainment
Agosto 15: Teatrong Mulat ng Pilipinas at Tali Galaw
Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Samahan ng mga Papetir ng Pilipinas (439-14-71) o sa Cultural Center of the Philippines (832-1125). Maaari ring magpadala ng e-mail sa papetir@gmail.com.
(Pinagmulan ng balita: Panitikan.com.ph)

