BUL-OL: Bulawan Online

Oktubre 2008

Isyu Blg. 3, Tomo 1

Mga Kaibigan

Buklatan

UMPIL Congress sa Agosto 30

Gaganapin sa Agosto 30, 2008 sa GSIS Museum, CCP Complex, Maynila ang taunang National Convention ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), ang pinakamalaking samahan ng mga Filipinong manunulat sa buong bansa. Magsisilbing pangunahing tagapagsalita si Bang Hyun-seok, Executive Editor ng Asia Magazine.

Magsisimula ang pagpapatala nang 8:00 n.u. Sisimulan ang kongreso nang 9:00 n.u. sa Pambansang Awit na pangungunahan ni Michael M. Coroza. Susunod ang pambungad na pananalita ni Ryan Palad, GSIS Museum Curator.

Magbibigay si Vim Nadera, kasalukuyang tagapangulo ng UMPIL ng kanyang Chairman’s Report. Pagkatapos ay ipakikilala ni Karina Bolasco, tagapangulo ng UMPIL International Relations and Cultural Exchange Committee ang pangunahing tagapagsalita na si Bang Hyun-seok.

Sa hapon ay pararangalan ang mga nagkamit ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng UMPIL sa mga Filipinong manunulat na nakapag-ambag ng mga pambihirang akdang pampanitikan sa anumang wika sa Filipinas. Sa taong ito, ang mga nagkamit ay ang mga sumusunod:

  • Ruperta Asuncion (Iluko poetry)
  • Edgardo Maranan (Filipino/English poetry)
  • James Na (Chinese poetry)
  • Armando “Bing” Lao (Filipino screenplay)
  • Delfin Tolentino (English essay)

Pararangalan din si Prop. Ligaya Tiamson Rubin ng Gawad Paz Marquez Benitez, at ang The Arejola Foundation for Social Responsibility, Inc. ng Gawad Pedro Bucaneg.

Sina Dr. Mario I. Miclat at Dr. Ruby G. Alcantara ang magsisilbing mga Guro ng Palatuntunan.