BUL-OL: Bulawan Online

Oktubre 2008

Isyu Blg. 3, Tomo 1

Mga Kaibigan

Buklatan

Isang Panayam sa Paraan at Dahilan ng Ating Tugmaan

Bilang pagdiriwang ng kanilang ikaapat na anibersaryo, nakipagtulungan ang Pinoypoets sa Filipinas Heritage Library upang maihandog ang Our Love for Glove Doves: A Cognitive Approach to the Way We Rhyme the Way We Do. Ang tagapagsalitang si Paolo Manalo, isang premyadong makata at awtor ng Jolography, ay isa sa mga pinakaunang panelista ng mga palihan ng Pinoypoets.

Ang naturang panayam ay gaganapin sa Filipiniana Section ng Filipinas Heritage Library sa Lungsod ng Makati. Ito ay libre at bukas sa publiko, bagaman nangangailangan ng maagang pagpapatalâ dahil sa limitadong bilang ng mauupuan. Mangyari lamang pong makipag-ugnayan kay Romel Samson sa 0916-6390640 o 0929-7853276 para sa pagpapatalâ at anumang katanungan.