Buklatan: Agosto-Setyembre 2008
Inaanyayahan ang lahat na ipaalam sa Bulawan Online ang inyong bagong librong pampanitikan o sa panitikan. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang pahinang Pagpapasa sa Buklatan.
* * * * *

Poetika/Pulitika: Tinipong mga Tula
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad sa Sining Pampanitikan
The University of the Philippines Press, c2008
108 pahina
Tinipong panulaang protesta at mga larawan ng iba’t ibang kilos protesta mula sa panulat ni Bienvenido Lumbera at kamera ni Raffy Lerma.
* * * * *

Si Rizal: Nobelista (Pagbasa ng Noli at Fili bilang Nobela)
Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad sa Sining Pampanitikan
The University of the Philippines Press, c2008-08-04
280 pahina
Napapanahong kritisismo at interpretasyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal na magsisilbing gabay sa mga guro at mag-aaral ng panitikan mula sa panulat ni Virgilio S. Almario.
* * * * *

Soledad’s Sister
Jose Y. Dalisay, Jr.
Anvil Publishing, Inc., c2008-08-04
194 pahina
Bagong nobela mula sa panulat ni Jose Y. Dalisay, Jr.; kauna-unahang nobela mula sa Filipinas na mapasama sa shortlist sa Tha Man Asian Literary Prize.
* * * * *
The El Bimbo Variations
Adam David
The Youth & Beauty Brigade, 2008
140 pahina
Manwal/surbey ng avant-gardist lit, ang the El Bimbo Variations ay koleksiyon ng siyamnapu’t-siyam na samu’t-saring bersyon/rebisyon ng unang dalawang linya ng kantang “Ang Huling El Bimbo” ng bandang Eraserheads.


