Ang Mundo Ayon kay Geron Munar
ni V.E. Carmelo D. Nadera Jr.
PORO POINT: AN ANTHOLOGY OF LIVES (POEMS, 1955-1960)
ni Alejandrino G. Hufana
Sa kasaysayan ng malayang taludturan, mahalaga sa Estados Unidos ang 1915.
Ito ang taon kung kailan inilimbag ni Amy Lowell ang A Dome of Many-Colored Glass, inilabas ni Robert Frost ang North of Boston, at inilathala ni Edgar Lee Masters ang The Spoon River Anthology.
Sa tatlo, ang huli ang pinakagkakautangan ng loob ng mga Amerikano sa pagsagad sa limitasyon ng modernistang pagtulang naimpluwensiyahan ni Walt Whitman:
“Spoon River Anthology
is, then, not only a kind of fragmented “Song of Myself,” it is a more pessimistic version of Whitman’s Democratic Vistas, focused on the triumph of the forces of disorder and decline in turn-of-the-century America. But within that account of a discordant, aimless, corrupted–and, hence, degenerated–society, the poet-hero struggles to secure the Jeffersonian vision and to place it in poetic “urns of memory,” as Webster Ford says, where it may yet inspire cultural restoration. Once Masters’s purpose and perspective are recognized, everything in the Anthology is absorbed into his powerful mythic image, and the book has remarkable wholeness and significance.”
Bagamat tinatayang bunga ito ng pagbasa ni Masters ng Select Epigrams from the Greek Anthology ni J. W. Mackail, ang nabanggit na koleksiyon ay naging isang orihinal na tagulaylay na ikinuwento nang sariwa sa alaala ang mga tauhan sa isang bayan-bayanan sa loob ng isang salinlahing apektado ng espiritu ng panahon:
pagkasawa na sa pormula ng nakaraan;
paghihimagsik laban sa kumbensiyon at limitasyon ng tradisyon;
pananabik sa kalayaan at realidad
Pabago-bago ang istorya ayon sa iniistorya at nag-iistorya, subalit iisa ang tumutuhog na tunog ng trahedya, may tono ng parikala kung hindi man ng balintuna – ang antolohiyang ito ay naglalayon lamang na maglarawan ang buhay nang walang ilusyon kung kaya lantaran ang drama sa pamayanang bumulusok sa kabulukan ng moralidad na maaaring katawanin ni Daisy Fraser na isang sawsawan ng bayan:
Did you ever hear of Editor Whedon
Giving to the public treasury any of the money he received
For supporting candidates for office?
Or for writing up the canning factory
To get people to invest?
Or for suppressing the facts about the bank,
When it was rotten and ready to break?
Did you ever hear of the Circuit Judge
Helping anyone except the “Q” railroad,
Or the bankers? Or did Rev.Peet or Rev. Sibley
Give any part of their salary, earned by keeping still,
Or speaking out as the leaders wished them to do,
To the building of the water works?
But I Daisy Fraser who always passed
Along the street through rows of nods and smiles,
And caughs and words such as “there she goes.”
Never was taken before Justice Arnett
Without contributing ten dollars and costs
To the school fund of Spoon River!
Bawat tula ay isang testimonya ng isang patay – isang realidad na natutuhan ni Masters matapos sumakabilangbuhay ang kanyang amang tulad niyang isang abogado:
One thing I learned [sic] from my father’s death is that there is the realm of the dead, with its mysterical [sic] and ever broading [sic] influence upon us; making one almost believe that the fact of death is one of the factors in the entire development of those who live, even if the dead are not like presences with their dumb brows pressed to our brows, and by that contact ever interfusing our thoughts and moulding our destinies. He has seemed to be not in a state of harm or disquiet, but in a sealed place of safety, where the whole thing is philosophized. And I have felt glad that nothing could touch him further.
Sa kadahilanang iyon, natukyan niya na posible at puedeng ang mga yumao na tumalakay – sa pamamagitan ng tula — ng mga bagay-bagay gaya ng kanilang mga kasaysayan, mga pagsubok sa buhay, mga pananaw mula sa panlabas na puntodebista, mga dahilan sa mga nangyari sa kanila,mga takot sa kinahinatnan ng kanilang mga desisyon, mga angal at atungal sa pagtrato sa kanilang puntod, mga paghihimutok ukol sa kung paano sila namatay, at kung ano-anong bumuo sa larawan ng isang gawa-gawang bayan sa pamamagitan ng salimbayan ng mga tagaroong nasasaksihan o sinasaksihan ng ilog na kung tawagin ay Spoon.
Nariyan, halimbawa, si Ann Rutledge, na itinuturing na isang alamat sapagkat isa siya naging kasintahan ni Abraham Lincoln at ang kanyang himlayan ay matatagpuan pa rin sa sementeryo sa Petersburg kung saan uminog ang antolohiyang mayroong 246 na tula. Subalit ang pinakasikat o prominente ay ang tokayo ng makatang si Percy Bysshe Shelley – na bagamat sa isinilang sa Inglatera at pumanaw sa Italya noong 1822 – ay ginawang Amerikano at nagawang patulain ni Masters: (1792-08-04)
My father who owned the wagon-shop
And grew rich shoeing horses
Sent me to the University of Montreal.
I learned nothing and returned home,
Roaming the fields with Bert Kessler,
Hunting quail and snipe.
At Thompson’s Lake the trigger of my gun
Caught in the side of the boat
And a great hole was shot through my heart.
Over me a fond father erected this marble shaft,
On which stands the figure of a woman
Carved by an Italian artist.
They say the ashes of my namesake
Were scattered near the pyramid of Caius Cestius
Somewhere near Rome.
Dito kapansin-pansin ang likot ng utak – at puso — ni Masters na umikot sa buong Estados Unidos pati sa Italya kung saan ito isinalin ni Fernanda Pivano noong 1943; ginawang Epitaphs na idinirehe at isinalaysay ni William Conrad bilang serye ng CBS Radio Workshop noong 1957; isinadula ni Charles Aidman noong 1963 hanggang ngayon; isikomposisyon ni Fabrizio De André sa kanyang album na Non Al Denaro, Non All’amore Né Al Cielo noong 1971; isinatulang Spoon River, Euskadi ni Jon Juaristi para tirahin ang teroristang Basque na ETA noong 1987; kinanta ni Richard Buckner ang ilang bahagi para sa album niyang The Hill noong 2000; ginawang isang kantatang multimedia na pinamagatang Ghost Voices: Songs From a Cemetery ni Karl W. Schindler noong 2005; kinunan ng retratro ni William Willinghton para sa librong Spoon River, ciao noong 2006; at isinaawit ni Michael Peter Smith na tinawag niyang Spoon River noong 2007.
Sa Pilipinas, hindi nagpahuli ang Poro Point: An Anthology of Lives (Poems, 1955-1960) ni Alejandrino G. Hufana na sumunod sa yapak nito noong 1961 – pagkalipas ng apat na dekada – sa tulong University of the Philippines Press. Sa halip na sa Illinois sa Gitnang Kanluran ng Estados Unidos, inilugar ni Hufana ang kanyang antolohiya sa Poro Point — isang lugar sa La Union sa Hilagang bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Tulad ng nasabing antolohiya, ang La Union ay isa ring pagtitipon sapagkat ito rin Itinatag — sa bisa ng Superior Decreto noong 2 Marso 1850 ni Gobernador Heneral Narciso Zaldua Claveria — mula sa 9 na bayan ng Pangasinan, 3 bayan ng Ilocos Sur at ilang pamayanan sa Silangang Pais del Igorotes ng Cordillera. Kung baga, ang La Union ang pakuluang palayok, wika nga, at ang pinakabunganga nito ay ang Poro Point. Kinalaunan, ang La Union — na inaprubahang maging lalawigan ni Reyna Isabela ng Espanya noong 18 Abril 1854 – ay naging sentro ng kalakalan at pamahalaan ng Rehiyon 1 hanggang ngayon, lalo pa nang maging Poro Point Special Economic and Freeport Zone ang may 236.5-ektaryang parang – na noon lamang 1900 naging Barangay Poro sa ilalim ng administrasyong militar ni Commander George W. Wallace na isang Second Lieutenant ng 9th U.S. Infantry na ginawaran ng Medal of Honor at kung kanino ipinangalan ang dating Air Station. Pagkaraan ng tatlong taon, hihimukin ang mga taga-Poro para magpatitulo ng kanilang lupa bago abutin ng 1914 kung kalian ang lahat ng lupang walang titulo ay gagawing reserbado para sa mga sundalong Amerikano. Kasama ang barangay ng San Agustin, San Francisco, San Vicente, at Canaoay, ang Poro ay ginamit noon upang palayain ang San Fernando, La Union mula sa mga Hapon bilang imbakan o tambakan ng Base Militar ng Estados Unidos. Saksi ang taong 1950 nang ito ay sakupin ng Voice of America at silang mga tagaroon ay nagsilikas sa mga purok ng Quirino at Rawis, kabilang na ang mga nasa pampang ng Poro. Ang Poro Point: An Anthology of Lives (Poems, 1955-1960) ni Hufana ang nagbibigay ng mukha sa mga taong iyon na biktima ng kasaysayan. Lagi’t lagi silang isinasantabi, gaya ng kinasadlakan nilang nasa tabi ng Dagat Tsina, mapa-Hilaga o maka-Kanluran. Dito sa antolohiyang ito nasa gitna sila, iginitna sila ng makatang mas mabusisi pa kaysa kay Masters. Mausisa’t maurirat pa nga, kung tutuusin, para sa kaibigan ni Hufana na si Maro L. Santaromana na isa ring taga-The Ravens o isang samahan ng mga manunulat sa Ingles ng Unibersidad ng Pilipinas:
This is vintage Hufana. Back in Collegian days in the early fifties where he was the literary editor (I was the associate), he didn’t just correct the galleys he rewrote them! Alas, he rewrote himself incessantly.
Bagamat may totoong Poro, nagawa pa ni Hufana na gumawa ng isa pang Poro:
The rock still roots the water
Tauter than the buoy in the channel
That marks where men-of-war should enter
And avoid the shallows of the turtle.The lighthouse eye puts out. Today’s communion
Is in the pulpit of the machine,
Now when all owes its religion
What adventure had the aborigine?
One make-up moment to be emperor
In this haunted hamlet on the coast –
Fishers foam-furrow the equator
To homage at a trading post.
Now when divinity is frail
Between the radar poles and wishing well
To beat the mind to a bell
In brethren’s bones with the sunken sail:
As if from rising bottom, sound of sand
Spills out cargo and conqueror
On seven sights of land
Far from either rock or buoy
Like a prayer’s amen, and ahoy!
The brief bed of the whirling whore,
The sunbath, the pinpointed star,
And the native, on his guitar
Full five strings, sermons how to suffer.
Now back to feed the lamps their fuel
While the rock still roots the water
Tauter than the buoy in the channel.
Doon niya isisilang ang kathang-isip niyang bayang pagmumulan diumano ng Kailukuhan!
Sa punto de bista ng isang makatang si Geron (na ang ibig sabihin ay “matanda” sa Latin) na may apelyidong Munar (na ang kasingkahulugan ay “monar” sa Turko o “monarkiya”) — ang mga mambabasa ay inaanyayahang umuwi sa sinaunang tradisyon upang sagipin mula sa lusak ng limot ang Poro Point – ang “matandang monarkiya.”
Galing sa kanyang mataas na posisyon, si Geron Munar ay bumabang paring isang hari sa kanyang ugat bilang isang makatang nanggagaling sa labas sa pagtingin sa loob na kanya rin namang gagap na gagap at gamay na gamay.
Taglay ang kakayahang lumalim at kakanyahang dumamay sa iba, siya ay nagsa-historyador sa pagsunod sa daloy ng pandarayuhan sa pamamagitan niya o ng kanyang paksa at ng kanyang mga sinasalaysayan.
Dalawampu’t limang kamag-anak ang laging handang sumaklolo sa kanya upang magpaliwanag ng kani-kanilang mga sarili.
Bugtong – isang prehispanikong uri ng tula — ang ginamit na taktika ni Munar, este, ni Hufana!
Mahirap sagutin ang tanong kung hindi nagtutugma ang isip at kilos sa pagitan ng sumulat at sinulatan.
Dahil dito, kailangang baliktarin ang katutubong anyo ng pagtula upang lubusang maintindihan ang siste at sistema ng tula.
Bagay na mas madalas kaysa hindi, pinupuna, o pinupuntirya, kay Hufana na ang tula diumano ay “in substance powerful but in language graceless and difficult.”
Kaya nga, sa estilong pabugtong, mas nauunawaan ang tula niya – bilang Munar – na ang tugon ay nasa titulo.
Sa buong libro, sagana ang detalye ukol pisikal na deskripsiyon ng mga tauhan, kaya nagiging interaktibo, kaya interesante, ang paghula sa bawat isa.
Tubong-San Fernando, La Union mismo si Hufana at halatang-halatang kabisado niya ang lunan ng kanyang panulaan kaya ito rin ang nagsisilbing tulay sa disin sana’y malabong pambubugtong.
Hinati sa tatlo ni Hufana ang libro: ang TOME 1 para sa mga CITIZENS (para sa 59 na tinulaang tao); ang TOME II ay para sa mga PILGRIMS (para sa 55 tinulaang tao); at ang TOME III ay para sa FAMILY (para sa 48 tinulaang tao — kabila ang tatlong di-tao) – humigit-kumulang sa 162 tula ang naisulat ni Hufana para sa mga taga-Poro Point.
Ang unang tomong para sa mga mamamayan – bagamat nag-umpisa sa Sermon: Brethren, You Have Nothing Else To Gain at The Roll Call – ay nagsimula sa A para kay Acquitted Clown at nagtapos sa Z para kay Zoologist in Pursuit.
Ang ikalawang tomong para sa mga peregrino – bagamat nag-umpisa sa Sermon: Alas, Welcome and Do Feel At Home at The List – ay nagsimula sa A para kay Ancestor Worshipper at nagtapos sa Z para kay Zone Supervisor of Community Work.
At ikatlong tomong para sa mga mag-anak – bagamat nag-umpisa sa Sermon: To You A Meddler Is Born at The Pedigree – hindi na ayon sa alpabeto kundi sa kamag-anak mulang Uncle I hanggang Fourth Cousin, dagdag pa ang Kins Unclassified Speaking for Themselves na may 10 iba’t iba pang tauhan – magpahanggang umabot – sa tabi ng kanyang tula para kay Mother at kay Father — sa tatlo niyang Ancestor!
Para kay Angngalo (o ang Dakilang Lumikha sa mga Iluko na nagkaloob ng isang mahaba at payat na lalawigang nakapagitna sa kabundukan at kagaratang maunos bagamat napakatagal ng tag-init para sa mga hayop at halamang, tulad nila, ay lumaki nang matiyaga, masipag, at matipid) – ito ang kanyang handog na isang Introduction:
Vociferous upon a morsel
The dogs conceal the bamboo dance;
The dancers’ belly shrugs their navel
Off dressed extravagance.
Mula sa paglingon sa pinanggalingang alamat ng pagiging Ilokano, tinunton ni Hufana – ang dahilan ng kanilang pagkakaroon ng nunal sa talampakan:
I have no future here, nor do you
Ancestor in your solid rock,
I strut the cockpits where you grew
The vanished festive flock.
Nanggaling sa angkang magsasaka – na kapuwa anghel at alipin ng pagbabagong-panahon – sinundan niya ang pananaw ng ibang mata, Kristiyano man o hindi – bagamat na nakabaon pa rin sa lupa:
A friend wants to rewrite the Bible,
The monsoon at the heath-blooms hard;
The plough must order things – land title
Some ancient bones retard.
The demarcations overrated
By skill at their landgrabbing here,
The paddy is with spinach potted,
Blight happens everywhere.
Magpahanggang abutin ng tabsing sa dagat ng modernisasyon, kung kaya natuto, o kailangan nilang matuto, na sumakay sa takbo ng ibang uri ng pagbabago:
The Christian age is going deep to
Planned parenthood, vernaculars.
And metal workers, weavers, the few,
Deciphered by scholars.
These are a background to a panic
Disguised by whipping up a calm,
Cranes out of herons – newest magic
I’m reading in my palm.
Now to supposed a population,
A mere belief in gods to find,
So I could eat and make impression –
The duty to be kind.
Gaya ng The Spoon River Anthology, ito ay nagbibigay-halaga sa papel na ginagampanan ng tubig o katubigan, partikular ang ilog, na dinakilang kadluan ng sibilisasyon:
The river is a tributary,
The delta is becoming parch,
Debouching into antiquity
Our tallest welcome arch.
Dito kapuna-puna ang hilig ng mga Ilokano sa mga arko bilang marka ng hanggahan, simula at wakas, gaya ng pagharap nila sa kanilang Bathala:
Ancestor, you have fallen out of
The whirling of the earthy sun,
But still the artworks in men’s hands prove
That past of yours is fun.
You saddened some clay with your sputum,
From this your little image sprang,
And man thus palpable at your thumb
Acquired inherent tang.The giant that you were man copies
In reaching for a windy star,
There are talks that he, though he tarries,
Is perpendicular.
Para kay Aran (o ang kabiyak niyang higante ring katuwang sa paglikha ng lahing likas na lumilikas upang hanapin ang mas luntiang pastulan mula sa pinagmulan nilang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, at La Union), ito ang kanyang alay na isang Estimate:
Forgive the records that retouch
The potters at their kilns –
The products of a climate and
The products of a history.
I strum the importance of a tale
As ancient as the chicken lice
And chicken feathers where they bleed
For any shift of atmosphere
From smoke to fleece. The tale is faint,
As wee dragonfly which sheds
Embroidery in air where it
Is fey, commingling – taking thus
Its earthy loom – with shuttled sheafs
Of new-cut hay transforming to
Satiation of the two-horned hunger
Of farmer plough menagerie.
Ang dating paghingi ng tawad ay nauwi sa kanilang pagpapaliwanag, kung hindi man sa kanilang paglilinaw kung bakit at paano sila nagkaganito:
For such had been the tribe that searched
For mother in the teats of springs
The outlets of pure passion welled
From soil that is the breast of roots
Whose hair is tendril, which the farm
Shears for the sooty cooking pot
And whose thirst slakes half in the loam,
Half in the elemental sea
From whose wracked veins the fisherman
Hauls like a spider species his
Prey-weighted web. Some harm is brisk
In fagging out the lowly yield
And clay turns hag while time is lewd
Upon the brine-tossed bole – good barks
There were that fueled sky and soil
And salt. The mother of these seeds
Has all become a pile of thoughts
Harvested in some loose theme work
Begetting but itself, while she
Is giant yet in women of
The race, their milk responsible
For children who like bamboo rise
Most where their shoots crop on the dead.
Para kay Lam-ang (o ang bayani ng epiko ng mga Ilokano na pinaniniwalaang naisulat noong 1640 ng isang bulag na makatang nagngangalang Pedro Bucaneg) – ito ang kanyang kaloob na isang Background:
Because the epic of the folk is sung,
Of no one you may disbelieve I tell.
The sand dunes and the thistles have returned
And given way to market, church and shop
Preparing hoof and wheel to pound upon
The paths to home and cemetery. Once
The sandmole and the firefly multiplied,
Loosed from my hands, as I slipped back towards
A wrinkled singer who enthralled us – folk
Of heroes, children lulled and slapped at turns
By legends that were supplement to milk
That dried on mothers’ breasts, from which my strength
Would seek a beach to counterstir the waves
Or meekly turn to games more delicate
Like turtle eggs just lain and would not hatch,
What with our hungers unappeased that sucked
The infant from its yolk. Somehow we killed…
But you would hear none of what I then heard
That gave my bones their build, my youth its age;
Kinausap niya mismo ang nasabing katutubong bida kung gaano siya kaimportante siya sa kanilang paglaki o pagpapalaki, kasing-importante ng gatas ng inang isinasapuso ang gintong araw at aral ni Lam-ang, kung hindi man ni Ines Cannoyan:
You flutter round so many things – the cost
Of levering a puppetry of tales,
The gruff machines of public works that lay
Bitumen or cement betwixt the legs
Of bitches roused to scandal by their mates,
The scares of war predicted by the student
Of world affairs – vacationing from thoughts –
Which happen not like hopes unput to test,
At which you make of courage which, too, makes
Men lambs or in lamb’s coating as they bleat
Their cant of power in support of some
Such patron of their work whose aliases
Do wrestle with the problems in the name
Of fairness, racial justice, law, and health,
All in round figures but dud in effect.
At kahit hindi taga-Nalbuan o taga-Calanutian ang lipi ng susunod na salinlahing nalahian o nilahian o nagpalahi ay nanatiling malalim ang lihim ng ugat sa kanilang katawan at sakahan:
The Hindu and his Buddha had been here,
The Arad introduced his own Mohammed,
The Christian heralded Messiah, then
The Aeta left his burning homestead. So
The Tinggian looked around at omens, kept
His place, kept on secreting sweat and seed
That antedate the waves of boatloads deep
With kitchen utensils and other relics
Which drove the yam out of the vine of ours.
The lands were staked and there the landlords crept;
Their wine is sour now that I should have
Shared, my mind leaping in its theater there
With my ancestors for a gallery:
Lam-ang, with his broad girth as any man’s
Who ever wrestled with his plow, the chief
Applauder where I clown like him my grief
Away at finding that the folk have changed
Their costumes for the drag and stress that make
For things like vague community standing.
So we breed but for judgment: we are great
As long as on us all our numbers sate.
Kung baga, sa halip sa iniluklok sa tuktok o una ang mahahalagang tao o tauhan sa buhay ng persona, inihuli ni Hufana ang mga ito nang may paliwanag sa Epilogue sa pamamagitan ng A Cycle of Qualifications (bilang katapat ng Prologue sa unahan sa pamamagitan ng Poro Point na ang pasakalye ay A Letter of Introduction!
Dito walang sinabi ang pagiging abogado ni Masters.
Ibang klase ang diskarte ni Hufana na pinalalabas na siya ang editor ni Munar at mayroon talaga silang papeles sa p.10 para patunayang awtentiko ang kanilang kasunduan.
Masusundan pa ito sa p.11 ng panimulang Supporting Document – na ang petsa ay 19__ at pinirmahan pa mandin ng isang nagngangalang “I. Dumpit” (parang I Dump It!) na isa diumanong Barrio Lieutenant na nagmamalasakit kay Munar na isang empleyado sa House of the Lakan.
Dito pa lamang sa pagsasabing “as Tagalogs call the Office of the President” – mahihinuha na mayroon noong pagbubukod at pagbubuklod. Bakit tatawagin ng mga Tagalog ang opisina niya sa wikang Ingles at hindi “Tanggapan ng Pangulo”?
Bilingguwal na manunulat si Hufana na bukod sa pagsusulat sa Ingles ay pagsusulat sa Ilokano ang pinagkakaabalahan.
Katunayan, nagsimula siyang magsulat sa Iluko sa magasing Bannawag bago siya napasabak sa Diliman Review, Literary Apprentice, Farleigh Dickinson Literary Review, Literature, East and West, Beloit Poetry Journal of USA, at iba pang babasahin.
Bilang isa sa mga tagapagtatag ng The Ravens, siya mismo ay nahasa sa mga palihan o panayam o talakayan nila kasama ang kanilang guro o guru na si N.V.M. Gonzalez na isang kuwentista sa Ingles.
Ano nga ba’t isinulat ito ni Hufana sa paraang maikukumpara rin sa Our Town na isang dulang ganap ang haba na isinulat ni Thornton Wilder?
O kaya sa librong Public Speech: Poems ng makatang si Archibald Macleish na itinatapat kay Hufana dahil bukod sa kapuwa sila naging peryodista sila ay parehong librarian?
Malimit ding ihambing ang kanyang panulaan sa isang katedral na yari sa magagaspang subalit mamamahaling bato.
Ano’t ano man, ang kapangyarihan ni Hufana ay iyon na nga – ang kakayahan niyang maging magaspang pero mamahalin – dahil nagagawa niyang paghugpong-hugpungin ang dalawa o higit pang anyo, ang dalawa o higit pang nilalaman, at dalawa o higit pang wika.
Para kay Dr. Marcelino Foronda Jr.: “What Pacis is to Ilokano short fiction, Alejandrino Hufana is to Ilokano poetry. While Hufana’s is a new voice in Ilokano poetry, his tremendous poetic gifts are readily apparent in his few published poems in Ilokano. His rimed verse expressed in a language typically his own, which is a happy blending of colloquial and poetic Ilokano may yet revolutionize, and start a school of Ilokano poetry.” Anang mapagpakumbabang Hufana noong 1965, apat na taon matapos lumabas ang Poro Point, sa tula niyang Style: Fair Exchange:
And I alive and patched, do verse still
With or without critics.
I name style after
My use, not use after style, not being glad
To look forward to all this and that fad.
Inayos at isinaayos niya ang pagkakasunod na tulad ng isang propesyonal na tagaaklatan, na nagtapos din ng M.S. Library Science sa Columbia, naging dating Direktor ng Cultural Center of the Philippines Library at kasapi ng Board of Examiners ng Librarians’ Examinations, Government Documentation Project Committee, at Presidential Library Committee.
Bago niya sinulat ang Poro Point, kanya nang nakolekta ang kanyang mga tula sa 13 Kalisud (1955), Sickle Season, Poems of a First Decade (1959). Sa murang edad na 34 naisulat ni Hufana ang aklat na maituturing na klasiko at kakaiba.
Una, ang kanyang pagtatagni at pagtatagpi ng mga salitang taliwas sa temang tinatalakay ay bihira.
Ikalawa, ang kanyang paglalangkap ng idiomang Amerikano para ilapat sa materyal na Iluko, halimbawa, ay inobatibo.
Ikatlo, ang kanyang wika na wika ng kanyang inilalarawang tao ay experimental.
Hindi ito makikita kina Masters, Macleish, at Wilder!
Dekada ’60 pa lamang pinoproblematisa na ni Hufana, bilang Munar, ang usapan at usapin sa bayan:
And poet emeritus is he whose head
Looks for a friendship on someone else’s
Neck. One Geron Munar tries to exude
His namesakes whom his clothes glue upon him –
The day is peeping on his manhood full
Of early timid hairs. How cover all
This universe? Though erstwhile bloom retorts
With ashes, and a great wind shifts a pall
That plates the moon for some drunk lust,
Yet life and death are art. Geron Munar
Must find excuse for Poro…
Subalit tila hindi ito ang paksang laman ng mga kumperensiya at kumbensiyon pagsapit pa ng sentenaryo ng kalayaang Filipino na naging okasyon para harapin ang hamon ng bansa o nasyon.
Ni noong dalawang taon bago mag-1998, noong 100-taong anibersaryo ng Katipunan kung kailan lilinaw o liliwanagin ang tunay na ibig sabihin ng termino o terminolohiyang Katagalugan!
Kaya lamang, biktima rin marahil ng kanyang panahon si Hufana na maituturing na isang etnosentriko.
O puro Porosentrismo?
The justice needling one to be complete
While works of history are tumbling in
The Gulf of Poro!
Sususugan ito — ang ganitong uri ng Ilukosentrismo — sa sulat pa rin ni I. Dumpit na nasa p.11:
You know, Geron, we can think of saving Poro from being forgotten. Our fiestas had not done this. We enjoyed fo a day. The following morning we were not known anymore. Visitors from Baguio only came here to eat and dance, bringing along their friends from Manila. We wanted to have you among them, as you alone could have offered Bukanegan which they could have remembered and told others about.
Pilipinas ang ikalawa sa may pinakamagandang ekonomiya sa Asya — sumunod sa bansang Hapon – sa panahon noong mayroong Cold War sa pagitan ng Estados Unidos at ng Unyong Sobyet, noong sumilakbo ang Cultural Revolution sa Tsina na pinamunuan ng Gang of Four, noong nagbabanggaan ang Hilaga at Timog Korea, noong nakialam ang mga Amerikano sa digmaang pambansa sa Vietnam, at noong kinikilala ng Washington ang papel na estratehikal sa pagsugpo ng komunismo ng Subic sa Olongapo sa Zambales at ng Clark sa Angeles sa Pampanga.
Katulad ng Poro Point ng La Union.
Kahalintulad ng Poro Point ni Hufana — ang panulaang Ingles sa Pilipinas ay nasa balag ng alanganin.
Lalo pa at kalakasan ng Tagalog nang itinatag ang Kapisanang Aklat, Diwa, at Panitik (KADIPAN) na ang mithiin ay magrebelde laban sa komersiyalismo at balagtasismo ng magasing popular kung naglathala sila ng kalipunang Manlilikha: Mga Piling Tula 1961-1967 na pinamatnutan ni Rogelio G. Mangahas – na isa sa mga tungkung-kalan ng modernistang panulaan sa Pilipino — kasama nina Virgilio Almario at Lamberto Antonio na mga editor ng Dawn ng University of the East.
Sa Ateneo de Manila University, nabuo naman ang kilusang Bagay — nina Edgar C. Alegre, Jose F. Lacaba, Bienvenido Lumbera, Fr. Edmundo Martinez, Antonio E. Samson, at Rolando S. Tinio – na ang layunin ay lumikha ng tulang may kongkretong imahen, may pakuwentong tono, at may karanasang pang-araw-araw na ang poetika ay masasalamin sa Sa Poetry ni Tinio:
Sa poetry, you let things take shape,
Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig.
You start siyempre with memories,
Yung medyo malagkit, kahit mais
Na mais: love lost, dead dreams,
Rotten silences, and all
Manner of mourning basta’t murder.
Papatak ‘yan sa papel, ano. Parang pait,
Kakagat ang typewriter keys.
You sit up like the mother of anxieties,
Worried na worried hanggang magsalakip
Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig.
Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits.
Kung malas ka, magkakalintik-lintik.
Pero sige ang pasada ng images
Hanggang makuha perfectly ang trick.At parang amateur magician kang bilib
Sa sleight-of-hand na pinapraktis:
Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot,
By golly, see what you’ve got
Bouquet of African daisies,
Kabit-kabit na kerchief,
Kung suwerte pa, a couple of pigeons,
Huhulagpos, beblend sa katernong horizon,
You can’t say na kung saan hahapon.
Kung ganitong anyo at wika ang uso noong mga panahong iyon, taliwas na taliwas nga ang Poro Point sa bukod sa nakasulat na sa Ingles, masalimuot pa!
Nabanggit din ang isyung itong sineryoso nang todo ni Eric Gamalinda sa kanyang sanaysay na English IsYour Mother Tongue or Ang Ingles Ay Tongue Ina Mo:
“The issue of language and identity would become more prominent in the 1960s, during the period of renewed nationalism in the Philippines. The sentiment would become stronger among Tagalog writers, who continued to write in the dialect despite the disadvantage posed by English media and education. Alejandro Abadilla, in his book Tanagabadilla (1965) wrote:
Ang poesyang Ingles
Pilipino’y huwad,
Lagi nang maisip
Paintelektuwad!(English poetry
By Filipinos is a fakery,
Always in deep thought,
In intellectoilet pose!)
Sa isang banda, maituturing na huwad ngang matatawag ang Poro Point kung artipisyal din ang pormulasyon ni Hufana.
Sa kabilang banda, maituturing na huwaran ang kanyang ambisyong epikal o ambisyosong epiko na ito.
Wala pang nakakapagdisenyo na kasingkomplikado ng Poro Point.
Dangan kasi, bukod sa pagiging pintor, isa ring mandudula si Hufana na nakapaglabas na ng First Five Plays (1964) at The Unicorn/A Dance Drama (1971) na inilathala niya sa Pamana ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas na kanyang inedit noong 1986 bago siya lumikas patungong Estados Unidos kung saan siya binawian nang buhay noong 2003.
Sa mga pagpupugay kay Hufana, hindi siya kinilala sa kanyang iba pang akdang Sieg Heil (1974) o Imelda Romualdez Marcos/ A Tonal Epic (1975) o Obligations/Cheers of Conscience at Shining On/Collected Poems, 1950-1985 (1985) o Enuegs: Extracts of Tributes to My Collection (2002) — kundi siya pa rin ay tinitingala sa kanyang Poro Point.
Ito rin ang kinahinatnan ng panulat ni Masters – na kahit na may mga naisulat pagkatapos ng 1915 tulad ng Book of Verses (1898), Songs and Sonnets (1910), The Great Valley (1916), Song and Satires (1916), The Open Sea (1921), The New Spoon River (1924), Lee (1926), Jack Kelso (1928), Lichee Nuts (1930), Gettysburg, Manila, Acoma (1930), Godbey, sequel to Jack Kelso (1931), The Serpent in the Wilderness (1933), Richmond (1934), Invisible Landscapes (1935), The Golden Fleece of California (1936), Poems of People (1936), The New World (1937), More People (1939), Illinois Poems (1941), at Along the Illinois (1942) — ay nahirapan pa ring makaigpaw sa kanyang unang tagumpay:
Edgar Lee Masters (1869-1950) has become the forgotten man of law and literature. This is unfortunate, since he was the only one of the principal American lawyer-poets to actively practice for any significant length of time; he did so for over thirty years as a trial and appellate lawyer before turning full-time to literary efforts.
Sa kaso ni Hufana — na nagtapos ng A.B. English (1952) at M.A. Comparative Literature (1961) sa Unibersidad ng Pilipinas — ito ang napuna ni Sta. Romana:
We hardly talked about each other’s writings. Truth to tell, I found his poetry formidable reading, “besides being kilometric,” I told him so. Heh-heh, he chuckled. I never asked what he thought of my prose. He’d never tell. Looking around to see if the coast was clear, he stripped. Zeig heil, manong! Buck-naked as the day he was born feet first (as told by his mother), he slipped into the dark, brackish water of Manila Bay. He emerged shivering, and dripping wet yet put on his clothes. As they say—you can take the man out of Poro Point.
Kaya naman, ang bansag pa rin sa kanya ng mamamahayag at mandudulang si Adrian Cristobal ay ang “the bard of Poro Point.”
Tuwing babalik-balikan ng mga taga-The Ravens ang kanilang pinagsamahang inaabot ng paglubog at pagsikat ng araw sa paglalakad mulang embahada ng Estados Unidos sa Maynila patungong Baclaran sa Pasay, matapos magsara ng pahinang pampanitikan – ito ang namumutawi sa mga labi ni Hufana:
“We were young and foolish enough to be Narcissus. The long walk made for long talk about campus writing, campus politics, campus couples I can’t name, mindful of N.V.M.’s counsel in Short Story Writing 101 (when asked how soon one could write about one’s life and loves): “I suppose you’d have to wait for your real-life characters to die first.”
At iyon na nga siguro ang ayaw maganap ni Hufana.
Kaya sa halip na hintayin pang mamatay ang sinumang gagawan niya ng talambuhay, nagkusang-palo na lamang siya sa pagkatha ng tulambuhay sa pamamagitan ng Poro Point: An Anthology of Lives (Poems, 1955-1960):
We turned a page And read the fables though it was quite late Into the night astounded how our hair Had whitened from its black crop by whose date We did remember richness in the air Back at our startled childhood in a ring Of roses. O, how lightly one could dream to bring About himself a coat-of-arms to pose A history that sleepless towers round Would haunt because heart-sudden upon wars Made not by him, he was bred at this ground Where fiction fails, lamented by the stars.

